Lalaki huli sa P1.4M shabu sa Caloocan

Lalaki huli sa P1.4M shabu sa Caloocan

December 9, 2022 @ 7:47 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng halos P1.4 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City nitong Biyernes, Disyembre 9.

Dinakip si Jalal Karim Acmad, nasa hustong gulang, sa Barangay 188.

Nasamsam kay Acmad ang walong sachet na naglalaman ng 200 gramo ng umano’y shabu na may presyong P1,360,000.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang haharaping kaso ng suspek. Merly Iral