Lalaki, inaresto sa carnapping

Lalaki, inaresto sa carnapping

July 26, 2018 @ 4:54 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na tumangay sa sasakyan ng isang negosyante saka nito ibinenta sa ibang tao.

Kinilala ang suspek na si Haliwin Borromeo, alias Net Borromeo, Jal at Drex.

Ang pagkakaaresto sa suspek ay bunsod sa reklamo ni Ruby Pinpin-Favis, kamag-anak ng biktimang si Honorio Pinpin Jr, na naunang in report na nawawala noong August 2, 2017.

Nauna dito, inireport ng mga kamag-anak ng biktima ang kanyang pagkawala sa PNP- Highway Group gamit ang kanyang Toyota Revo (NJO 863). Si Pinpin ay Manager ng Summit Sigma Corporation na ang negosyo ay sa ready mix concrete.

Gayunman, hiniling sa NBI-TFAID na imbestigahan ang pagkawala ng sasakyan ni Pinpin dahil ang sasakyang ginamit into ay nabasang ibinebenta ng isang Dennis Tan, dahilan upang magsagawa ng entrapment operation na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Sinabi ni Tan na ang nasabing sasakyan ay nabili nito kay Borromeo dahilan upang sampahan ng kasong Carnapping at Falsification of documents.

Noong July 23, 2018, sa bisa ng Warrant of Arrest ang ikinasa sa bahay ni Borromeo kung saan ito naaresto. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)