Lalaki inimbitahan at pinatay ng kaaway sa Malabon

Lalaki inimbitahan at pinatay ng kaaway sa Malabon

September 28, 2022 @ 2:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Todas ang isang 43-anyos na lalaki matapos imbitahan sa lugar ng suspek at barilin ng matagal na niyang kaalitan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa likod na tumagos sa dibdidb ang biktimang si Fernando Brucelo Jr, residente of Blk. 21, Lot 12, Phase 2, Area 1, Dagat-dagatan, Brgy. NBBS Navotas City.

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, nadakip naman ng mga tauhan ng Sub-Station 5 sa follow operation ang suspek na kinilala bilang si Jomel Cerbito, 28, truck helper ng of Blk. 9C, Lot 18, Phase 2, Area 3, Hiwas Alley, Brgy. Longos at nakuha sa kanya ang isang magazine na kargado ng limang bala ng 9mm habang tinutugis pa ang kanyang kasabwat na si JR Mungkoy, 28 ng Sabalo St. Brgy. 8, Caloocan City.

Sa imbestigasyon nina PSSg Mardelio Osting at PSSg Diego Ngippol, nakita ang biktima at ang suspek na nagtatalo habang naglalakad sa isang eskinita sa Block 11 at pagsapit sa Parking Lot sa Block 11, Hiwas St. Brgy. Longos dakong alas-11 ng gabi ay bigla na lamang naglabas ng baril ang suspek binaril sa likod ang biktima.

Matapos ang insidente, kaswal na naglakad ang suspek patungo sa Hasa-Hasa Street habang isinugod naman ng rumespondeng mga tauhan ng SS5 ang biktima sa naturang pagamutan subalit, hindi na ito umabot ng buhay.

Ani Col. Barot, positibong kinilala ang suspek ng isang saksi habang matagal ng alitan ang motibo sa insidente kung saan pinlano umano ni Cerbito na imbitahan si Brucelo sa kanyang lugar para doon patayin. Boysan Buenaventura