Lalaki, itinali saka pinatay sa riles

Lalaki, itinali saka pinatay sa riles

July 7, 2018 @ 3:28 PM 5 years ago


Quezon – Itinali muna ang mga kamay bago pinagbabaril hanggang sa mapatay ng armadong grupo ang isang lalaki sa Gumaca, Quezon kagabi.

Ayon sa ulat ng Quezon Provincial Police Office, apat na hindi nakilalang lalaki ang pumasok sa bahay ni Julianito Javier, Jr., 41-anyos, sa Barangay Camohaguin dakong alas-6:30 ng gabi.

Isa sa mga suspek ang nagtali sa mga kamay ng biktima habang ipinapaalala sa kanya ang ginawa umano nitong pambubugbog noon sa una.

Matapos nito ay kinaladkad ng mga suspek si Javier palabas ng bahay at dinala sa riles ng tren kung saan siya pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Agad na tumakas na lulan ng dalawang motorsiklo ang apat na suspek.

Tinutugis na ng pulisya ang mga suspek na inaalam na rin ang mga pagkakakilanlan. (Jeff Gallos)