Lalaki itinumba ng tulak sa droga

Lalaki itinumba ng tulak sa droga

January 18, 2023 @ 2:47 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Dedo ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa loob ng bahay sa Block 15-A Baseco Community, Port Area, Manila.

Natukoy lamang sa pangalang Joel Garciano, 26-anyos ang biktima habang pinaghahanap naman ang suspek na nakilala lamang sa tawag na “Blondie” na nakasuot ng kulay orange na T- Shirt at maong short pants.

Nangyari ang pamamaril sa loob ng bahay nito sa 418 Blk.15-A , Baseco, ayon kay P/Capt.Demnis Turla, ang hepe ng MPD-Homicide Section.

Sa imbestigasyon, bago mangyari ang pamamaril ay sumigaw umano si Blondie sa biktima na asset ito ng pulis kaya pinaniniwalaang tulak ng iligal na droga ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden