Lalaki kinatay ng kainuman

Lalaki kinatay ng kainuman

September 6, 2022 @ 4:00 PM 3 weeks ago


NEGROS OCCIDENTAL- Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman makaraan magkaroon ng mainitang pagtatalo dahil sa kalasingan nitong Linggo sa bayanng Calatrava.

Kinilala ang biktimang si Warlito Fernandez Jr., 42-anyos, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Jay-ar Arquilita, 30-anyos alyas “Jafy” kapwa residente sa Prk. Mauswagon ng nasabing bayan.

Batay sa report ng Calatrava Municipal Police Station, dakong alas-8 ng gabi naganap ang krimen sa So. Ruyo, Brgy. Suba, ng nasabing bayan.

Ayon kay Pmaj Lumyaen Lidawan, hepe sa Calatrava PNP, nag-iinuman ang biktima at suspek sa bahay ng kanilang kaibigan at ng malasing nagkaroon ang mga ito ng debate.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang diskusyon ng suspek at biktima hanggang sa kumuha ng kutsilyo ang una at pinagsasaksak ang huli sa iba’t ibang parte ng katawan.

Agad naman isinugod sa ospital ang biktima subalit kalaunan ay nalagutan rin ng hininga.

Nadakip naman ang suspek ng mga rumespondeng pulis at ngayon ay nahaharap sa kasong homicide. Mary Anne Sapico