Lalaki, kulong para lang sa luho ni girlfriend.

Lalaki, kulong para lang sa luho ni girlfriend.

July 19, 2018 @ 7:11 PM 4 years ago


#NoMoney na #NoLovelife pa. Ito na ang naging hashtag ng life ni Zhang Xiaoen na ngayon ay nakakulong matapos magwaldas ng $36 million o katumbas ng 1.92 bilyong piso para sa mga luho ng kanyang maganda pero di umano’y manggagamit pala na girlfriend.

Ang kwento kasi mula sa China, ibinibili umano ni Zhang ang girlfriend ng iba’t ibang mamahaling regalo, mula sa mga designer clothe, mga alahas, kotse at maging ticket papuntang Dubai.

Pero ang malupit pa dito ginamit kasi ni Zhang ang pera ng kompanya ng kanyang ama.

Kung minsan pa ay nanghihiram siya ng pera sa mga mayayamang kaibigan para umano ipansugal para mabawi ang pera ng kinuha sa ama.

Ang kanyang girlfriend na si Yang Yizhen ay sikat sa social media at isang freelance model.

Nagsama ang dalawa sa loob ng dalawang taon pero nang makulong si Zhang ay inabando na siya ni Yang at bigla siyang nagkaroon ng bagong lalaki na ipinost sa kanyang social media. (Remate News Team)