Lalaki lumusong sa dagat, umahon sa langit

Lalaki lumusong sa dagat, umahon sa langit

May 28, 2021 @ 11:23 AM 2 years ago


ILOCOS SUR – Patay ang isang lalaki ng malunod sa dagat sa Brgy. Nangalisan, Sta. Lucia ng lalawigang ito kahapon.

Kinilala ng Sta. Lucia Police ang biktima na si Bonifacio Fabro y Adrada, may asawa, construction worker, residente ng Brgy. Bao-as ng naturang bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang 5:30 ng hapon ng magkayayaan ang biktima at isang nagngangalang Ronie Tucson y Cabanit, 47, may asawa, construction worker, residente ng Brgy. Nangalisan na mag-inuman sa bahay ng una.

Matapos ubusin ang isang 2 by 2 na San Miguel, biglang naisipan ng dalawa ang magpunta ng Nangalisan Beach para mag-swimming.

Parehong lumalangoy ang dalawa nang bigla umanong humingi ng tulong ang biktima kay Tucson dahil nalulunod siya.

Agad namang sumaklolo si Tucson pero bago pa siya nakalapit ay biglang lumubog ang biktima at hindi na lumitaw.

Bandang 7:22 ng gabi nang matagpuan ng mga rescue team ang biktima na nakalutang sa dagat sa layong isang nautical mile mula sa dalampasigan.

Ang biktima ay agad na dinala sa ospital matapos maiahon sa dagat pero idineklarang dead-on-arrival. Rolando S. Gamoso