Lalaki na wanted sa frustrated at attempted murder, nabitag sa Navotas

Lalaki na wanted sa frustrated at attempted murder, nabitag sa Navotas

May 27, 2022 @ 2:15 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Binitbit sa loob ng selda ang isang lalaki na wanted sa frustrated at attempted murder matapos madakma sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Allan Dela Cruz, 49 ng Judge A. Roldan St., Brgy. San Roque, ng lungsod.

Ayon kay Col. Ollaging, nadakip si Dela Cruz ng pinagsamang mga tauhan ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 2 sa isinagawang joint manhunt operation sa kanyang bahay dakong alas-6:45 ng gabi.

Nabatid na nakatanggap ang mga tauhan ng WSS ng impormasyon na naispatan ang akusado sa kanilang lugar na naging dahilan upang magsagawa ang mga ito ng operation kontra kay Dela Cruz.

Si Dela Cruz ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Carlos M. Flores, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 73, Malabon City, para sa kasong Frustrated Murder at Attempted Murder. Boysan Buenaventura