Lalaki nahulog sa ferris wheel sa Star City sa Pasay

Lalaki nahulog sa ferris wheel sa Star City sa Pasay

July 9, 2018 @ 6:33 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Bali-bali ang mga buto ng isang hindi pa nakilalang lalaki matapos umanong tumalon sa ferris wheel sa Star City, sa Pasay kagabi.

Sa panayam sa chat kay Marc Kc Susano na siyang may kuha ng larawan at video na solid umano ang pagkakabagsak ng biktima sa semento at malakas ang kalabog kaya imposible aniyang mabuhay pa ang biktima.

Dakong alas-7:30 aniya nang masaksihan niya ang pangyayari habang namamasyal kasama ang kanyang pamilya.

Dagdag pa ni Susano na  narinig niya ang mga crew ng Star City na sinabing sinira  umano ng biktima ang bintana kung saan siya nakasakay at nakaupo sa ferriswheel kaya ito nabuksan bago  tuluyang tumalon.

Agad naman umanong nirespondehan ng mga guardiya at mga crew ang biktima at inilagay sa strecher bago dinala sa ospital.

Hindi na umano nagawa pang makuha ni Susano ang pangalan ng biktima dahil tila nais itago ng management ng Star City ang insidente.

Maging ang iba pang namamasyal aniya sa lugar  na nais makakuha ng larawan sa biktima ay hinaharang na rin ng mga staff ng Star City.

Inaalam pa  kong sadyang tumalon at nag-suicide ang biktima o nahulog.(JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)

– Courtesy: Marc Kc Susano