Manila, Philippines – Tigok ang isang lalaki matapos aksidenteng mahulog mula sa patong-patong na container van kagabi sa kagabi sa Navotas City.
Dead on arrival sa Tondo General Hospital sanhi ng tinamong pagkabagok ng at mga pinsala sa katawan ang biktimang si Ramil Dionog, 23-anyos.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, isinasara ng biktima ang pinto ng mga patong-patong na container van sa Area 5, Dagat-Dagatan, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS).
Gayunpaman, pagdating nito sa ikatlong palapag ay aksidente itong nadulas at tuloy tuloy na nahulog sa may taas na tinatayang nasa limang metro kaya mabilis itong isinugod sa naturang pagamutan subalit di rin umabot ng buhay.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis sa nasabing insidente. Roger Panizal