P125/kg SRP para sa imported na pulang sibuyas, ikinasa ng DA

February 7, 2023 @2:06 PM
Views: 7
MANILA, Philippines- Bilang pagsunod sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagsama-samahin ang lahat ng stakeholders at tugunan ang usapin ng overpriced red onions sa merkado, nagpalabas ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) na P125 kada kilogram ng medium- at big-sized imported red onion sa mga wet market sa loob ng National Capital Region (NCR).
“[I]n order not to aggravate the current difficulties of the Filipino people affected by the pandemic and rising fuel prices, there is a need to guide the consuming public on the reasonable prices of basic necessities in the market,” ang nakasaad sa Administrative Circular No. 5, may petsng Pebrero 6, 2023.
Kagyat na magiging epektibo ang SRP sa oras na maipalathala na ito sa mga pahayagan at mananatiling epktibo sa loob ng 60 araw mula nang aprubahan maliban na lamang kung “revised, revoked at/o lifted.”
Matatandaang, sumirit ang presyo ng sibuyas sa P600 kada kilogram noong huling linggo ng Disyembre 2022, dahilan para magpalabas ang DA ng sanitary and phytosanitary import clearance (SPSIC) para sa importasyon ng sibuyas para dagdagan ang local supply.
Ang ginawang monitoring ng DA sa mga basic necessities at prime commodities ang dahilan at naging batayan para magtakda ng SRP.
Nakasaad sa Republic Act (RA) No. 7581 o Price Act na “the State shall ensure the availability of basic necessities and prime commodities at reasonable prices at all times without denying legitimate business a fair return on investment.”
“policy of the State to provide effective and sufficient protection to consumers against hoarding, profiteering and cartels with respect to the supply, distribution, marketing and pricing of said goods, especially during periods of calamity, emergency, widespread illegal price manipulation and other similar situations,” ayon pa rin sa RA.
Ang implementing rules and regulations ng RA No. 7581 ay nagbigay kapangyarihan at atas sa DA na magpalabas ng SRP para sa kahit na anuman o sa lahat ng basic necessities at prime commodities sa ilalim ng hurisdiksyon para gabayan ang mga “producers, retailers, at consumers.” Kris Jose
Matteo, sure na lilipat sa GMA; manager at TV exec, nag-meeting na!

February 7, 2023 @2:00 PM
Views: 8
Manila, Philippines – Sa wakas, nagkakaroon na ng linaw ang ispekulasyon na lilipat na sa GMA si Matteo Guidicelli.
Matatandaang naudlot ang dapat sana’y pagiging bahagi niya ng Unang Hirit, ang early news program ng GMA.
But with the latest development involving three network bosses and entities on Matteo’s side, wala na ngang atrasan ang paglipat ng asawa ni Sarah Geronimo.
Present sa recent meeting sina Atty. Anette Gozon-Valdes at Joy Marcelo plus ang kinatawan ng news and public affairs ng GMA na nakipagpulong kina Vic at Vincent del Rosario ng Viva Entertainment.
If this is any indication, sa pambalitaang departamento mapupunta si Matteo as his point of entry.
Posibleng pasasaan ba’t join na rin siya sa entertainment production division.
At the moment, wala pang disclosure kung aling programa sa news department ang kabibilangan niya.
What is interesting though, maging ang deparatamento kasing ito ay nagpoprodyus na rin ng mga serye.
May magandang suhestyon ang mga netizens kay Matteo na sana’y magkaroon ng feature ang G Studio nila ni Sarah sa Alabang which is almost complete.
Balitang naroon nang lahat ang mga recording at rehearsal facilities na makakatulong kay Sarah sa kanyang singing career.
With Matteo’s anticipated transfer to GMA, curious ang mga netizens sa kung ano ang next career move ng misis nito.
Where the husband goes din ba? Ronnie Carrasco III
Bagong appointees sa OP, LWUA, pinangalanan

February 7, 2023 @1:52 PM
Views: 10
MANILA, Philippines- Ipinalabas ng Malakanyang ang pinakabagong appointments sa dalawang departmento sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kabilang sa mga bagong appointments ay sina Mary Lyn Charisse Lagamon, itinalaga bilang Presidential Assistant I ng Office of the Appointments sa ilalim ng Office of the President. Ang appointment date ni Lagamon ay noong Enero 18, 2023, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Pinangalanan din ni Pangulong Marcos si Vicente Homer Revil bilang acting administrator at miyembro ng Board of Trustees ng Local Water Utilities Administration (LWUA).
Ang petsa ng appointment nito ay noong Pebrero 6, 2023.
Samantala, itinalaga naman si Jovy Bernabe bilang acting member ng Board of Trustees ng LWUA.
ANG appointment date ni Bermabe ay noong Pebrero . 6, 2023.
Pinangunahan naman ni Pangulong Marcos ang oanunumpa sa tungkulin nina Lagamon, Revil, at Bernabe sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes. Kris Jose
P1.5M narra, nasabat sa checkpoint sa N. Vizcaya

February 7, 2023 @1:39 PM
Views: 10
NUEVA VIZCAYA- Tuluyan nang sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Forestry Code of the Philippines ang tsuper ng isang wing truck na may kargang narra na nagkakahalaga ng P1.5 milyon mula sa probinsya ng Apayao, na nasabat sa isang checkpoint sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya.
Ayon kay PMaj Jolly Villar, Information Officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), ang wing truck na galing sa lalawigan ng Apayo na papuntang Bulacan ay nasabat sa checkpoint sa Tactac, Sta. Fe, Nueva Vizcaya ng pinagsanib na pwersa ng Department of Environemnt and Natural Resources (DENR), Sta. Fe Police Station at 3rd Mobile Platoon ng 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company (NVPMFC).
Lulan ng wing trck ang 3,000 board feet ng iba’t ibang sukat ng narra lumber.
Inamin ng tsuper ng truck na ang mga nilagaring narra ay galing sa lalawigan ng Apayao.
May mga escort na sasakyan ang wing truck ngunit nang mahuli ito sa checkpoint ay tumakas ang mga sumusunod na sasakyan.
Atubili umano ang tsuper na sabihin sa mga otoridad kung sino ang nagmamay-ari sa mga nilagareng narra na dadalhin sana sa Bulacan.
Inamin ni PMaj Villar na may nag-tip sa kanila kaya hinuli sa checkpoint ang wing truck na naglalaman ng mga nilagareng narra.
Sasampahan din ang tsuper ng wing truck ng paglabag sa Republic Act 4136 o Land Transportation Code of the Philippines dahil natuklasan nila na tinanggal ang orihinal nitong plaka at pinalitan ng iba.
Ang mga nasabat na narra lumber ay naka-impound na sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Aritao, Nueva Vizcaya habang ang tsuper ng wing truck ay nasa kustodiya ngayon ng Sta. Fe Police Station.
Ito na ang ikalawang malaking volume ng mga nilagareng kahoy na nasamsam sa lalawigan ng Nueva Vizcaya dahil noong nakaraang taon ay may nakumpiska ng awtoridad sa bayan ng Aritao na maraming nilagaring kahoy na mahigit P1 milyon din ang halaga. Rey Velasco
Most wanted ng Malabon, nasakote sa QC

February 7, 2023 @1:26 PM
Views: 12