Lalaki nakipagbarilan sa mga pulis, patay

Lalaki nakipagbarilan sa mga pulis, patay

June 13, 2018 @ 2:08 PM 4 years ago


Quezon – Patay matapos makipagbarilan sa pulisya ang isang lalaki na umano’y tulak ng droga na kinilalang si Alberto Lee sa Barangay Progreso, Gumaca, Quezon.

MAtagal ng minamanmanan ng pulis si Lee sahil sangkot ito sa maraming kaso kabilang na ang pagftutulak ng droga.

Kwento ng Gumaca Police, alas-otso ng gabi, bitbit ang police warrant, nagtungo ang mga pulis sa bahay ng suspek ngunit tumakbo ito upang kumuha ng baril.

Pinaputukan ni Lee ang mga pulis kaya’t gumanti ang mga ito hanggang sa mamatay ang suspek.

Nakarekober kay Lee ang isang baril at isang sachet ng hinihinalang shabu.

Daing naman ng kaniyang anak, hindi raw nanlaban ang kaniyang ama at wala rind aw itong baril. (Remate News Team)