Lalaki nakipagsaksakan sa Valenzuela, paglalamayan

Lalaki nakipagsaksakan sa Valenzuela, paglalamayan

November 11, 2022 @ 7:39 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki nang makipagsaksakan sa matagal nang kaalitan sa Valenzuela City kamakalawa.

Bangkay nang itinanghal si Samuel Repuya, 41, ng Barangay Canumay East, ng lungsod, habang arestado naman ang suspek na si Roberto Galera, alyas ‘Obet’, 47, ng Meyland, Barangay Lingunan, Valenzuela.

Naganap ang krimen Nobyembre 9 sa Acacia St., Barangay Lingunan, kung saan kinompronta ng biktimang sakay ng motorsiklo ang suspek dahil sa lumang away, at maapos magtalo ay sinaksak ni Galera si Repuya.

Gumanti ng saksak si Repuya at tumakbo sa bahay ng kapatid, saka itinakbo sa Valenzuela City Emergency Hospital kung saan siya idineklarng dead-on-arrival dahil sa saksak sa dibdib.

Dinakip naman si Galera matapos magamot at haharap sa kasong homicide. Merly Iral