Lalaki, nakomang ang ‘manoy’ sa dog-style

Lalaki, nakomang ang ‘manoy’ sa dog-style

July 19, 2018 @ 3:43 PM 4 years ago


 

Isang Australyanong nagtataglay ng “ga-ruler” na pagkalalaki kaya kung tawagin natin ay “Totoy Mola” ang nabali ang tarugo habang nakikipagtalik sa posisyong “dog-style” sa mas may edad sa kanyang babae.

Isinugod si Ross Asdourian, 32, sa ospital nang magkaroon ng “rupture” sa muscle ng kanyang “ga-kabayong” pagkalalaki na nakaapekto sa urethra nito matapos ang nakagigimbal na insidente.

Si Asdourian na awtor ng libro ay ikinuwento ang inabot niyang trauma sa pakikipagtalik sa “Kyle and Jackie O”, isang Australian breakfast radio show.

Sa katunayan, ginawan niya ng libro ang kanyang naging karanasan na may titulong “Broken Bananah”.

“We were having sex in what doctors call “doggy style” position and I came out and then went back in, and we both did that in equal but opposite force, and it caused a very audible “pop”.

Bukod sa pagiging awtor, si Asdourian ay kilalang playboy dahil sa paiba-ibang partner.

Kasi naman, hahabulin talaga siya ng mga babae sa taglay na mahabang ari.

May ilan ngang prodyuser na gumagawa ng porn movies ang nais siyang gawing artista.

“I didn’t really scream because if you’ve ever been in that real pain you don’t really make much noise, some sound comes out of you but it’s not sustained,” aniya.

“I went into emergency protocol, I got up, flipped the lights on all while this poor woman is still there on all fours looking confused because she didn’t know what was happening.”

Ayon kay Asdourian, tumawag siya ng ambulansiya para magparesponde at nang sabihin niyang nabali ang kanyang kaselanan sa gitna ng pakikipagtalik ay ayaw siyang paniwalaan.

Saka lang naniwala sa kanya ang medics nang dalhin siya sa ospital at masuri na “nabingkong” o nakomang nga ang kanyang manoy.

Kinailangan pang gumastos si Asdourian ng malaking halaga o 60,000 dolyar para maibalik sa normal ang kanyang ari.

Sa ngayon nasa, 80 hanggang 90 porsiyento nang gumagana uli ang kanyang pagkalalaki matapos ang ilang buwang gamutan.

Naisip ni Ross na gawan ng libro ang masaklap niyang karanasan upang maging babala sa mga lalaking masyadong aktibo sa sex experience lalo sa mga mahihilig sa mga babaeng agresibo sa kama.

Tinukoy din niya na ang babaeng kanyang katalik nang mangyari ang masarap pero masaklap na karanasan ay dati niyang college lover na bumisita sa kanyang bahay. (Nats Taboy)