Lalaki, natusta sa kidlat

Lalaki, natusta sa kidlat

June 20, 2018 @ 2:34 PM 4 years ago


Cebu – Sunog at lapnos ang malaking bahagi ng katawan ng isang lalaki makaraan itong tamaan ng kidlat sa loob mismo ng kanyang bahay sa Sitio Lowac, Barangay Canbanua, Argao, Cebu nitong Martes ng hapon.

Dead on arrival sa ospital ang biktima na nakilalang si Larry Bahinting, 43 anyos.

Batay sa inisyal na ulat, una umanong tinamaan ng kidlat ang 6-talampakang antenna at diretsong dumaloy sa bubong ng bahay hanggang matumbok nito ang upuan kung saan nakaupo ang biktima.

Labis namang ikinagulat ng asawa ng biktima ang pangyayari na ligtas na nagkataong nasa kusina.

Nangyari ang insidente kasabay ng power blackout at malakas na ulan sa lugar. (Jeff Gallos)