Lalaki niratrat todas, live-in partner at ina nakaligtas

Lalaki niratrat todas, live-in partner at ina nakaligtas

May 21, 2022 @ 9:28 AM 1 month ago


Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang motibo sa pamamaril sa maglive-in partner  sa Sta.Cruz, Maynila.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Ferdinand Guevarra, 23, residente ng 1529 Tindalo St, Begy 254 Tondo, Maynila.

Nakaligtas naman ang kanyang live-in partner na si Erika Ann Gabriel, 20.

Tinutugis na rin ng pulisya ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa pamamaril.

Nauna rito, sakay ng tricycle ang mga biktima nang sumulpot ang mga suspek na nakasuot ng full face helmet at saka sila pinagbabaril.

Sa kasawiang palad, napuruhan si Guevarra habang maswerte namang hindi tinamaan ang live-in partner nito at kanyang ina na kasama nila nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Bambang sa Sta.Cruz, Maynila hapon ng Biyernes .

Nagpapatuloy pa ang follow up operation ng pulisya para sa ikadarakip ng mga responsableng mga salarin. Jocelyn Tabangcura-Domenden