Lalaki patay matapos maghagis ng granada sa mga pulis

Lalaki patay matapos maghagis ng granada sa mga pulis

July 12, 2018 @ 5:28 PM 4 years ago


Isabela – Todas ang isang lalaki makaraang maghagis ito ng granada sa mga pulis sa Roxas, Isabela.

Bandang alas-11:15 ng Miyerkules ng gabi nang namataan na umiwas sa checkpoint ng pulisya sa Barangay San Placido ang suspek na nakamotorsiko.

Nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga pulis at ng suspek hanggang sa makarating sila sa makitid na lugar.

Sa halip na sumuko, naghagis umano ng granada ang suspek na sumabog malapit sa patrol service ng pulisya.

Nagtangka umano na maghagis ng isa pang granada ang suspek ngunit inunahan na syang paputukan ng mga pulis hanggang sa mapatay.

Sinabi ni Senior Inspector Frances Littaua, Isabela police spokesperson, na wala pang pagkakakilanlan ang suspek na tinatayang nasa 25 hanggang 30 ang edas, nakasuot ng itim na t-shirt at asul na short pants. (Jeff Gallos)