Lalaki, patay matapos salpukin ng motorsiklo

Lalaki, patay matapos salpukin ng motorsiklo

April 24, 2022 @ 1:15 PM 2 months ago


BATANGAS – Patay ang isang 30-anyos na lalaki matapos na mahagip ng humaharurot na motorsiklo sa bayan ng Laurel.

Ayon sa Batangas police, naglalakad lang sa gilid ng kalsada sa bahagi ng Barangay Leviste ang biktimang si Eduardo Aballa nang mabundol siya ng motorsiklo na minamaneho ng 16-anyos na binatilyo.

Kapwa dinala sa Dr. Ernesto Malabanan Memorial Hospital ang dalawa pero idineklarang dead-on-arrival si Aballa.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente. RNT/ JCM