Lalaki patay sa 3 nakaalitan sa inuman

Lalaki patay sa 3 nakaalitan sa inuman

January 16, 2022 @ 4:09 PM 7 months ago


DALAGUETE, CEBU- Patay ang isang lalaki matapos itong tambangan at pagbabarilin ng tatlong suspek na nakaalitan ng una sa inuman, kamakalawa ng hapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Maximo Barritt Deluna, 42, at residente sa Sitio Cabongbongan, Brgy. Manlapay, ng nasabing bayan.

Nadakip naman ang mga suspek na sina Joseph Diama Cahayagan, ng Brgy., Santikon, Badian, Cebu at Virgilio Espiritu Diama, alyas Senyo, Brgy. Santikan, Badian habang tugis naman ang kasama nilang nakatakas na is Gerry Infante.

Ayon  sa pulis, alas-4:30 ng hapon naganap ang krimen sa Sitio Sto. Niño, Brgy. Manlapay, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar para sana maki-piyesta sa bahay ng kanyang mga kaibigan.

Ilang metro na lamang sana ang layo mula sa bahay ng kaibigan ng biktima ng bigla na lamang siyang harangin ng mga suspek at pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen agad namang nadakip ng mga rumespondeng pulis ang dalawang suspek habang mabilis na nakatakas si Infante.

Nabatid na may dating alitan ang biktima at suspek sa isang inuman nitong nakalipas na taon at nagharap na rin ang mga ito sa barangay saka naghusay at nagkamayan pa.

Sinabi rin ng pulis na maaaring nagtanim ng matinding galit ang mga suspek sa biktima para patayin nila ito.

Nahaharap ngayon sa kasong pagpatay ang mga suspek. Mary Anne Sapico