Lalaki patay sa kapitbahay

Lalaki patay sa kapitbahay

April 23, 2022 @ 4:39 PM 2 months ago


ATIMONAN, Quezon- Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay habang ang una ay nag-iinuman sa loob ng bahay Biyernes sa lalawigan ito.

Kinilala ang biktimang si Rustico Garcia, 54-anyos, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Ludovico Ilagan, 57-anyos, at kapwa residente sa Brgy. Caridad Ibaba, Atimonan, Quezon.

Batay sa report ng Atimonan-PNP, nag-iinuman ang biktima kasama ang nagngangalang Mico na kaibigan ng biglang dumating ang suspek.

Kinumpronta ng suspek ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa pagsasaksakin ng una ang huli sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nagawa pang isugod sa ospital ang biktima pero nalagutan rin ito ng hininga.

Nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong murder. Mary Anne Sapico