Lalaki, patay sa pamamaril

Lalaki, patay sa pamamaril

July 16, 2018 @ 3:10 PM 4 years ago


 

Malabon City – Dedbol ang isang lalaki na gumaganap na isang payaso o clown sa children birthday party matapos pasukin at pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay ng hindi pa kilalang suspek kagabi July 15 sa Malabon City.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng cal. 45 baril sa ulo si Erick Piano, 22, ng Phase 1 Block 1 Gozon Compound, Brgy. Tonsuya.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon nina Malabon police homicide investigators, pasado alas-8:30 ng gabi, nasa loob ng bahay ng kanyang kaibigan na si Salvador Talagtag sa Lot 23, Phase 1 Block 1 Gozon Compound ang biktima nang pasukin ng suspek at walang sabi-sabing binaril sa ulo.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon habang narekober sa crime scene ng mga tauhan ng SOCO ang isang basyo ng bala mula sa kalibre .45 pistola.

Ayon kay Malabon police Sr. Insp. Ronald Carlos, patuloy ang kanilang follow-up imbestigasyon upang matukoy ang pagkakilanlan ng suspek at maaresto habang inaalam pa ang tunay na motibo sa nasabing insidente. (Roger Panizal)