Lalaki, patay sa saksak ng payong

Lalaki, patay sa saksak ng payong

July 23, 2018 @ 3:52 PM 5 years ago


 

Cavite – Isang 23-anyos na construction worker ang nasawi makaraan itong bugbugin at saksakin pa ng payong sa loob ng videoke bar sa Barangay Molino III, Cavite City.

Hindi na umabot ng buhay habang isinusugod sa ospital ang biktima na si Jessie Munoz bunga ng pambubugbog sa kanya at isang tama ng saksak sa katawan nito mula sa umano’y payong.

Base sa inisyal na ulat, nakikipag-inuman umano ang biktima kasama ang kanyang kapatid at isang kasamahan sa trabaho nang makaalitan ng kaniyang kapatid ang limang kustomer sa bar dahil sa agawan ng mikropono sa videoke.

Inabangan ng grupo ang kapatid ni Muñoz sa labas ng establisimyento, pero nakatakbo ito.

Rumesbak naman si Muñoz, pero pinagtulungan siya ng grupo at sinaksak gamit ang dala niyang payong.

Naaresto ng pulisya ang 2 suspek, habang sumuko ang isa pa.

Kakasuhan sila ng murder at attempted murder, habang patuloy na hinahanap ang iba pa nilang kasamahan. (Jeff Gallos)