Lalaki patay sa sariling baril

Lalaki patay sa sariling baril

January 11, 2023 @ 12:33 PM 3 weeks ago


LOCOS SUR – Tigok ang isang 48-anyos na lalaki matapos umano nitong aksidenteng mabaril ang sarili sa Sitio Tagaytay, Brgy. Lingsat, Bantay ng lalawigang ito kagabi, Enero 10.

Kinialala ng Bantay Municipal Police Station ang biktima na si Agapito Pula Jr y Viernes, may asawa, residente ng naturang lugar.

Nabatid na isang tawag mula sa cellphone ang natanggap ng Bantay MPS mula sa Metro Vigan Hospital tungkol sa isinugod sa naturang ospital na biktima ng shooting incident.

Agad naman rumesponde ang mga otoridad at base sa pakikipag-usap nila kay Jay-ar Pula y Reyes, anak ng biktima, nabatid na nakainom ng alak na umuwi sa kanilang bahay ang kanyang taytay at nakita nitong kinuha ang baril na ginagamit sa pagha-hunting ng ibon na nakatago sa kanilang bahay.

Nasa loob umano ng kwarto si Jay-ar nang makarinig ng putok kaya agad siyang lumabas at nakita na lang ang amang nakahandusay sa sahig.

Agad na humingi ng tulong si Jay-ar para madala sa ospital ang kanyang tatay.

Gayunman ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso