Lalaki pinagsasaksak ng katagay, patay!

Lalaki pinagsasaksak ng katagay, patay!

September 3, 2022 @ 10:52 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Tigok ang isang 57-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng kainuman makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Navotas City Hospital sanhi tinamong mga saksak sa katawan ang biktimang si Melvin Gariando, residente ng Oliveros dike, Brgy., Tangos North ng lungsod.

Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na kinilala bilang si Rogelio Jimenez, 60 ng F. Cruz, Brgy., Tangos North ng lungsod.

Sa report ni PSSg Karl Benzon Dela Cruz kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-7:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa Badeo 5, Oliveros Dike, Tangos North.

Lumabas sa imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa naturang lugar nang mauwi ang mga ito sa pagtatalo makaraang hindi umano magkaintindihan.

Sa kainitan ng pagtatalo, bigla na lamang naglabas ng patalim si Jimenez at inundayan ng ilang saksak sa katawan si Gariando bago mabilis na tumakas habang isinugod naman ang biktima sa nasabing pagamutan subalit, i-dineklarang dead on arrival.

Isang alyas “Jonas” na naka-saksi sa insidente ang nag-ulat sa mga duty tanod ng Brgy. San Roque na sila namang humingi ng tulong sa mga tauhan ng Intelligence section ng Navotas police na agad namang nagsagawa ng follow up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Boysan Buenaventura