Lalaki pumalag sa mga operatiba, patay

Lalaki pumalag sa mga operatiba, patay

January 30, 2023 @ 6:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki makaraang pumalag sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District- Baseco Police Station 13.

Batay sa ulat ng MPD, kinilala ang napatay na si Kelvie Panansang aka “Tago” , 36 , tubong Sta.Cruz , Canaman, Camarines Sur at residente ng Block 1 Dubai Street Baseco Compound Port Area, Manila.

Nagsagawa umano ng “Oplan Galugad at Simultaneuos Anti- Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) at nang lalapitang si Panansang na target ng operasyon bigla itong pumalag at bumunot ng baril at nagpaputok sa direksyon ng mga pulis.

Dahil alanganin ang buhay ng mga awtoridad, gumanti sila ng putok kaya tinamaan ang suspek na kanyang ikinamatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden