Lalaki syut sa butas, utas!

Lalaki syut sa butas, utas!

May 15, 2022 @ 10:08 AM 1 week ago


ROXAS CITY, Capiz- Nakatuwad ang wala ng buhay ng matagpuan ang isang lalaki matapos ma-shoot sa malaking butas Sabado sa bayan ng Sigma.

Kinilala ang biktimang si Norberto Olano Villaruel, 50-anyos at residente sang Brgy. Majanlud ng Sapian, Capiz.

Batay sa report ng Sigma Municipal Police Station, dakong alas-6 ng umaga natagpuan ang bangkay ng biktima sa may daan sa Sitio Sinandigan, Brgy. Mianay ng nasabing bayan.

Ayon sa isang Maria Neto Coldovero Ubalubao, naglalakad siya sa nasabing lugar nang biglang mapansin ang biktima nakatuwad sa may butas na pitong talampakan ang lalim.

Agad naman siyang humingi ng tulong sa mga awtoridad at ipinaalam sa mga kaanak ng biktima ang pangyayari.

Pinagtulungan namang iahon mula sa butas ang biktima at dinala sa ospital subalit idineklara na rin itong patay ng mga umatending doktor.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente ay nakita pang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa mga kaibigan.

Paniniwala ng pulisya, posibleng hindi napansin ng biktima ang malaking butas dahil sa kalasingan dahilan para mahulog ito. Mary Anne Sapico