Lalaki tiklo sa P100K shabu

Lalaki tiklo sa P100K shabu

November 2, 2022 @ 9:05 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki nang makuhanan ito ng lampas sa P100,000 halaga ng shabu sa lungsod ng Caloocan.

Ito ay nang ikasa ang buy-bust operation ng pulisya sa MRH Site Four, Barangay 188 ng naturang lungsod nitong Martes ng madaling araw, Nobyembre 1.

Kinilala ang suspek na si Mahid Condaraan, 33-anyos at residente rin ng kaparehong barangay.

Nakuha dito ang 15 gramo ng shabu na may street value na P102,000 at buy-bust money.

Dahil dito ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Merly Iral