Lalaki, timbog sa higit P1M shabu

Lalaki, timbog sa higit P1M shabu

April 22, 2022 @ 1:40 PM 2 months ago


NUEVA ECIJA – Timbog ang 40-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng mahigit sa isang milyon pisong halaga shabu sa drug buy-bust operation sa Barangay Bantug Bulalo, Cabanatuan City.

Kinilala ni P/Lt. Col. Carl Omar Fiel, hepe ng pulisya, ang suspek na si Arnold Palacio, tubong Cabanatuan City at ngayo’y naninirahan sa Baler, Aurora.

Nasamsam sa suspek ang nasa 22 heat sealed transparent plastic sachet ng shabu na may timbang na 150 grams at  nagkakahalaga ng P1,020,000.

Ayon pa kay Fiel, bago nag-Holy Week ay may mga residenteng nagsumbong sa kanilang tanggapan na may magaganap na transaksyon ng iligal na droga at sangkot ang naturang suspek.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng surveillance operation ang pulisya at nang makumpirma ay ikinasa ang buy-bust na nagresulta ng pagkakaaresto kay Palacio.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa sections 5 and 11, article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Jan Sinocruz