Lalaki, timbog sa paghalay sa menor

Lalaki, timbog sa paghalay sa menor

August 11, 2018 @ 1:23 PM 4 years ago


 

Pasig City – Wala nang nagawa ang 19-anyos na suspek nang arestuhin ito dahil sa panghahalay sa isang menor de edad noong Huwebes ng gabi sa Pasig City.

Inaresto ang suspek sa serye ng mga operasyon ng surveillance sa pamamagitan ng mandamiento de aresto na inilabas ni Hon. Judge Maria Rowena Bisto ng San Pedro RTC Branch 158 para sa krimen ng “Statutory Rape” sa ilalim ng Art. 226-A ng RPC na sinususugan ng RA No. 8353 kaugnay sa 5 (a) ng RA No.8369 na ipinakita sa ilalim ng Kaso ng Kriminal No.CICIL-0012-2018.

Binitbit si Peter Paul San Pedro ng Warrant and Sobpoena Section ng Pasig City Police Station bandang alas-7:00 ng gabi sa Damayan, Barangay Maybunga ng nasabing lungsod.

Sa ulat, si San Pedro ang siyang itinuturo na may kinalaman sa kaso ng panggagahasa sa isang 10-taong gulang na Grade 5 student sa Pasig City.

Nakapiit na sa Pasig City Police Station ang akusado habang inihanda ang mga kinakailangang dokumento na isusumite sa korte. (Toto Nabaja)