Lalaking bigong makakita ng trabaho, nagbigti

Lalaking bigong makakita ng trabaho, nagbigti

July 17, 2018 @ 3:55 PM 4 years ago


 

Valenzuela City – Patay ang isang mister makaraang magbigti sa loob ng banyo ng kanilang bahay dahil umano sa depresyon bunga ng kawalan ng trabaho sa Valenzuela City.

Nakilala ang nasawi na si Rolly Malojo, 40-anyos, walang trabaho, at naninirahan sa Block 3 Building 6 Unit 107 Disiplina Village, Brgy. Bignay, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, alas-10 ng gabi nang pumasok sa banyo ng kanilang unit sa naturang pabahay si Malojo at hindi na lumabas pa.

Alas-10:30 nang abutan ng tawag ng kalikasan si Vinjelyn Romero, kinakasama ni Malojo ngunit hindi sumasagot ang kanyang partner na nasa loob ng banyo upang makaihi siya.

Dahil dito, sinira na lamang ng mga kasambahay ang pinto ng banyo at bumulaga sa kanila ang nakabigting si Malojo na gumamit ng tali ng isang bag sa kanyang pagpapatiwakal.

Agad na isinugod sa Valenzuela City Emergency Hospital si Malojo ngunit idineklara na siyang walang buhay ng mga mangagamot.

Patuloy na inaalam ngayon ang pulisya ang motibo ng pagpapatiwakal ng lalaki na inisyal na hinihnala ng kanyang pamilya dahil sa depresyon dulot ng kawalang-trabaho. (Rene Manahan)