Lalaking gustong kumanta, sinaksak ng kaibigan, patay

Lalaking gustong kumanta, sinaksak ng kaibigan, patay

February 28, 2023 @ 12:28 PM 3 weeks ago


NEGROS ORIENTAL – HINDI na pinakanta, patraydor pang sinaksak ang isang lalaki ng kanyang kaibigan sa gitna ng kanilang inuman, kamakalawa ng hapon sa bayan ng Ayungin.

Kinilala ang biktima si Oliver Deguitos habang tugis naman ang suspek kaibigan nitong si Jorgie Redula, kapwa nasa hustong gulang at residente sa Barangay Tampocon I, Ayungon, Negros Oriental.

Batay sa report ng Ayungin Municipal Police Station, dakong 5:00 PM ng maganap ang krimen sa Sitio Sacsac, Barangay Tampocon 1, lungsod sa Ayungon, Negros Oriental.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang magkaibigan ng maisipang tumayo ng biktima at pumunta sa videoke para pumindot ng numero ng kakantahin.

Subalit, hindi inakala ng biktima na abala sa pagpindot ng numero sa videoke na sinundan siya ng suspek at hinalihaw ng saksak sa likod gamit ang 12 pulgada na kutsilyo. Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Dinala naman sa ospital ang biktima pero idineklara na rin itong patay ng umatending doctor.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at agaran ikadarakip sa suspek para managot./Mary Anne Sapico