Lalaking may patong-patong na kaso ng estafa, kalaboso sa Cabanatuan

Lalaking may patong-patong na kaso ng estafa, kalaboso sa Cabanatuan

December 16, 2022 @ 2:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kulungan ang hinantungan ng isang 31-anyos na lalaki matapos na magpalabas ang korte ng warrant of arrest para sa di-umano’y anim na beses (6 counts) ng kasong kriminal, sa lungsod ng Cabanatuan nitong Huwebes, Disyembre 15.

Sa ulat ng Cabanatuan City Police Station, sa tanggapan ni Nueva Ecija director, P/Col. Richard Caballero, kinilala ang arestadong suspek na si Nelson Cunanan Jr. y Francisco, may asawa at residente ng Purok 1, Barangay Popolon, Palayan City, Nueva Ecija.

Sa report ng pulisya, ganap na 7:45 ng umaga nang ikasa ng pinagsanib na pwersa ng Warrant Operatives ng Cabanatuan City Police Station (CCPS) (lead unit) at Provincial Intelligence Unit – Nueva Ecija Police Provincial Office (PIU-NEPPO); 1st Provincial Mobile Force Company – Nueva Ecija Police Provincial Office (PMFC-NEPPO); San Antonio Municipal Police Station at Palayan City Police Station, ang isang operasyon o Manhunt Charlie Operation, sa Barangay Sapang Buho, Palayan City, Nueva Ecija.

Hindi na nakapalag pa ang umanoy suspek na si Cunanan makaraang ihain dito ang Warrant of Arrest para sa di-umano’y (6counts) ng kasong Estafa na may Criminal Cases Number 34986-AF hanggang 34991-AF na inisyu noong Disyembre 7 sa Regional Trial Court (RTC) Branch 23, CabanatuanCity.

Halagang P120,000.00 naman ang nirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ito ng CCPS, male custodial facility. Elsa Navallo