Lalaking most wanted sa attempted murder isinelda sa Navotas

Lalaking most wanted sa attempted murder isinelda sa Navotas

November 27, 2022 @ 10:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki na listed bilang most wanted sa kasong attempted murder matapos matimbog sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Jovito Barma, 32 ng Blk. 15, Lot 2, Kaunlaran Brgy. NBBS Porper, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na naispatan ang akusado sa kanilang lugar.

Alinsunod aniya sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS, kasama ang Sub-Station 4 ng Navotas police ng joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Barma dakong ala-1:45 ng hapon sa kanyang bahay.

Si Barma ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong February 11, 2014 ni Judge Celso R.L Magsino Jr, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 74, Malabon City para sa kasong Attempted Murder. Boysan Buenaventura