Lalaking most wanted sa kasong pagpatay, nabitag sa Navotas

Lalaking most wanted sa kasong pagpatay, nabitag sa Navotas

November 14, 2022 @ 1:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Bagsak sa kalaboso ang isang lalaki na wanted sa kasong pagpatay matapos malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Ralph Rigor Adriano, 34 ng Blk 33 Lot 29 Phase 2 Area 2, Tumana, Brgy. NBBS Dagat-dagatan, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, si Adriano ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong October 30, 2013 ni Judge Emmanuel D Laurea ng Regional Trial Court (RTC) Branch 169, Malabon City para sa kasong Murder.

Batay sa ulat ng pulisya, unang nakatanggap ng impormasyon mula sa kanilang impormante ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS ng manhunt moperation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa akusado dakong alas-3:40 ng hapon sa kanyang bahay. Boysan Buenaventura