Guiuan, E. Samar niyanig ng M-5.5 quake

January 28, 2023 @10:10 AM
Views: 0
MANILA, Philippines- Tumama ang 5.5-magnitude lindol sa northwest ng Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar nitong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naganap ito kaninang alas-4:25 ng umaga at may lalim ng 80 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman din ang lindol sa mga sumusunod na lugar:
-
Intensity IV – Guiuan, Lawaan, Mercedes, and Salcedo, Eastern Samar; Abuyog, Alangalang, City of Baybay, Dulag, Javier, La Paz, Palo, Santa Fe, Tabontabon, Tanauan, and Tolosa, Leyte; San Francisco, Southern Leyte
-
Intensity III – General MacArthur, Eastern Samar; Babatngon, Barugo, Leyte, Pastrana, and Tunga, Leyte; City of Tacloban
-
Intensity II – Maydolong, Eastern Samar; Albuera, Leyte; Ormoc City
-
Intensity I – City of Cebu
Wala namang inaasahang pinsala subalit maaaring magkaroon ng aftershocks, dagdag ng ahensya. RNT/SA
3 durugista timbog sa P100K shabu sa Malabon buy-bust

January 28, 2023 @10:08 AM
Views: 6
MANILA, Philippines- Kulungan ang kinasadlakan ng tatlong listed drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Christopher Villagracia alyas āIanā, 34, (pusher/listed), Michael Ramos alyas āNognogā, 42, sampaguita vendor, (user/listed) at Manuel Joseph Cordero alyas āManjosā, 33, pedicab driver, (user/listed) at pawang residente ng lungsod.
Ayon kay Col. Daro, dakong alas-2:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Alexander Dela Cruz ng buy-bust operation M.H. Del Pilar St. corner Panghulo Road. Brgy. Panghulo matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng illegal drugs ni Villagracia.
Nang tanggapin ang P500 marked money mula sa isang undercover police poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umanoāy shabu ay agad dinamba ng mga operatiba si Villagracia at kasabwat niyang si Ramos habang pinosasan din si Cordero na sinasabing parokyano ng dalawa.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigiāt kumulang 16 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) value P108,800 at buy-bust money.
Ani PSSg Jerry G Basungit, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura
Sa pagdating ng inangkat na kalakal, presyo ng sibuyas patuloy na bumababa

January 28, 2023 @9:56 AM
Views: 16
MANILA, Philippines- Patuloy na bumababa ang umiiral na retail price ng sibuyas.
Ito’y bunsod na rin ng pagdating sa tamang iskedyul ng nasabing kalakal.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) Bantay Presyo (price watch), ang pinakamababang presyo ay naitala para saĀ local white onions na mabibili sa P170 per kilogram, ang pinakamataas na presyo naman nito ay P300/kg.
Ang imported white onions naman ay mabibili saĀ halagang P250/kg to P260/kg, mas mataas sa local white onions.
Sa naging pagtataya ng DA, ang pagdating sa bansa ng malaking bilang ng sibuyas ay makatutulong sa pagbaba saĀ market price.
Ang umiiral na price range ngĀ local red onions ay P240/kg hanggang P350/kg, mas mataas saĀ price range ngĀ imported red onions na nakatakdang mabili sa halagang P200/kg hanggang P250/kg.
Gayunman, kinumpirma ngĀ Bureau of Plant Industry (BPI) na angĀ imported red onions ay makikitang mas malaki kumpara sa locally produced red onions sa kabila ng mabibili ito sa mas mababang halaga.
Sa kabilang dako, sinabi niĀ DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na tinitingnan nilang ibalik ang presyo sa peak harvest levels.
āAng pinakamababa po na presyo ay umabot sa mga P67 or a little less than P70 per kilo. So, āyun po ang tinitingnan natin ngayon kung paano natin maibabalik ang ganung presyo. Although ito po ay presyo sa panahon na talagang peak of their harvest,ā ayon kay Evangelista.
Upang makamit ito,Ā kailangan na magkaroon ng pakikipag-usap sa ibang layers sa buong value chain.Ā Kris Jose
DOH nakapagtala ng 44 bagong kaso ng Omicron sub-variants

January 28, 2023 @9:42 AM
Views: 14
MANILA, Philippines- Nakapagtala lamang ng 44 na bagong kaso ng Omicron subvariants ang Department of Health (DOH) batay sa huling sequencing ng Philippine Genome Center noong Enero 18.
Inuri bilang BA.2.3.20 ang kabuuang 19, walo ang XBB, apat ang BA.5, at isang kaso ng BN.1 na iniulat sa ilalim ng BA.2.75.
Natukoy din ng DOH ang 12 kaso ng iba pang Omicron sublineage.
Sinabi ng Kagawaran na lahat ng karagdagang kaso ng BA.2.3.20 ay mga lokal na kaso mula sa Rehiyon 1, 3, at 4A.
Ayon pa sa DOH, ang mga bagong kaso ng XBB ay nagmula sa Regions 1, 3, 9, at National Capital Region (NCR).
Samantala, ang kamakailang natukoy na kaso ng BN.1 ay isang Returning Overseas Filipino (ROF), habang sa apat na kaso ng BA.5 na natukoy, tatlo ay mga lokal na kaso mula sa Rehiyon 3 at Cordillera Administrative Region (CAR), at ang natitirang kaso ay isang ROF.
Nauna nang sinabi ng DOH na patuloy nilang binabantayan, sa lokal at pandaigdigang antas, ang laganap na Omicron subvariants na may mas mataas ang transmissibility.
Ayon kay DOH-Epidemiology Bureau Director IV Dr. Alethea De Guzman, sinusubaybayan ng DOH ang dalawang subvariant ng Omicron, BQ.1 at BA.2.75 batay sa sequence submission.
Sinabi ni De Guzman na ang BQ.1.1 ay halos 14%, habang ang BA.2.75 ay humigit-kumulang 17% ng prevalence. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Bangkay ni Ranara nasa Pinas na, muling isasailalim sa autopsy

January 28, 2023 @9:28 AM
Views: 24