Lalaking most wanted sa panggagahasa, nalambat sa Navotas

Lalaking most wanted sa panggagahasa, nalambat sa Navotas

November 5, 2022 @ 8:54 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Kalaboso ang isang lalaki na listed bilang most wanted sa Navotas City dahil sa kasong panggagahasa matapos mabitag ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa naturang lungsod, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong sakusado bilang si Shandel Lorenzo, 23 ng Brgy. Navotas East.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na naispatan ang akusado sa kanilang lugar.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS at Sub-Station 3 ng joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Lorenzo sa L.R Yangco St., Brgy. Navotas East dakong alas-2:35 ng hapon.

Si Lorenzo ay inaresto ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Cecilia B. Parallag ng Judge of Family Court Branch 9, Navotas City para sa kasong Rape. Boysan Buenaventura