Lalaking nag-masturbate sa tabi ni Ai Ai, nakakulong na!

Lalaking nag-masturbate sa tabi ni Ai Ai, nakakulong na!

January 9, 2022 @ 9:12 AM 2 weeks ago


Los Angeles, California – Na-shock at nag-iiyak si Ai-Ai de las Alas sa loob ng eroplanong patungong Los Angeles, California dahil may nakatabi siyang batang exhibitionist na inilabas ang ari nito at nag-masturbate sa tabi n’ya.

Na-delay ang paglabas ng komedyante mula sa Tom Bradley International Airport sa Los Angeles, California, nu’ng Biyernes ng madaling-araw, January 7, 2022 (Biyernes ng gabi, Manila time) dahil hiningian muna siya ng pahayag ng mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) tungkol sa insidenteng nangyari sa loob ng eroplanong sinakyan niya galing sa Dulles Airport sa Washington, Virginia.

Mag-isa lang bumiyahe si Ai-Ai. Ang asawa n’yang si Gerald Sibayan ay naiwan sa  Northern Virginia, USA, kung saan pansamantalang naninirahan ngayon ang mag-asawa.

Ayon sa exclusuve report ni Jojo Gabinete sa entertainment website na PEP. ph, kasama ni Ai-Ai na hiningan ng pahayag sa airport ang mga flight attendant ng airline company na tumayo bilang mga testigo. Sila ang nagtimbre sa FBI tungkol sa indecent exposure na ginawa ng isang male passenger kay Ai-Ai.

Lahad ni Ai-Ai sa PEP.ph na inilabas ng lalake ang ari nito. “Natakot ako, bigla akong tumayo, inireklamo ko siya sa flight attendant. Nanginginig ako.

“Ang akala ko, hindi ako naintindihan ng flight attendant. ‘Yun pala, style niya ‘yun para hindi magkaroon ng commotion.”

Dagdag pa n’ya: “Nagpalipat ako ng upuan, iyak ako nang iyak. Grabe, parang naawa ako sa sarili ko…”

Before the incident, Ai-Ai was even able to take a selfie photo with the exhibitionist. Ipinayo ‘yon sa kanya ng mister n’ya nu’ng tawagan n’ya ito sa cellphone para sabihing may katabi siyang lalakeng mukhang addict.

Nu’ng nakalipat na siya ng upuan, from Seat Number 30 to Seat Number 10, nilapitan siya ng isang male flight attendant, at sinabihang ‘”Later on, the police will get him.”

Tapos, kakausapin siya ng FBI agents dahil federal offense daw ‘yun.

Limang oras pala ang biyahe mula sa North Virginia. Nang lumapag na raw ang eroplano ay umakyat ang mga airport police at dinampot na ang lalaking exhibitionist. Pinosasan daw ito at unang pinababa mula sa eroplano.

Tumagal ng isa at kalahating oras ang pakikipag-usap ng FBI kay Ai-Ai. Naiwan at naka-detain sa airport ang exhibitionist dahil sa reklamong isasampa laban sa kanya.

Samantala, walang detalye sa ulat ng PEP kung bakit pumunta sa Los Angeles si Ai-Ai. Danny Vibas