Lalaking naglalaro ng Mobile Legends, inundayan ng saksak

Lalaking naglalaro ng Mobile Legends, inundayan ng saksak

January 25, 2023 @ 4:05 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Sugatan ang isang lalaki matapos tarakan ng gunting sa kanyang leeg habang naglalaro ng Mobile Legends (ML) sa Inter Fashion Compound, Brgy H2, Dasmarinas City, Cavite.

Ginagamot ngayon sa Ospital ng Dasmarinas ang biktima na si Ricardo Gumasing y Dela Peña, nasa nasa hustong gulang na nagtamo ng saksak ng gunting sa kanyang leeg.

Arestado naman ang suspek na si Cesar Limjoco Arpon Jr.

Ayon sa ginawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:50 ng gabi nang naganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima sa Blk 7 Inter Fashion Compound, Brgy H2, kung saan abala sa paglalaro ng Mobile Legends (ML) nang hindi nito napansin na dumating ang suspek na armado ng gunting at tinarakan ito sa leeg nang dalawang beses.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakbo ang suspek subalit nakatawag ng saklolo ang biktima sa mga barangay tanod at naaresto ang suspek. Margie Bautista