Lalaking nagmura patay sa pamamaril

Lalaking nagmura patay sa pamamaril

July 28, 2022 @ 8:58 AM 3 weeks ago


LOPEZ, Quezon- Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek makaraang murahin ng una ang huli dahil sa pagbuntot sa kanila na kapwa naka-motorsiklo Miyerkules sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si si Marguelito Lizano Gamora, 36-anyos, residente ng Barangay San Vicente, Buenavista , Quezon.

Batay sa report ng Lopez-PNP, naganap ang krimen sa Lopez-Buenavista Road ng nasabing lalawigan.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, patungo sa bayan ng Buenavista sakay ng motorsiklo ang biktima kasama ang dalawang kaibigan habang lulan rin ng motorsiklo ang suspek at nakabuntot sa kanilang likuran.

Pagtapat ng suspek sa biktima pinagmumura umano ng huli ang una na ikinagalit ng suspek.

Walang babalang bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima sa ulo na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Nabatid, na nasa impluwensya ng alak ang biktima ng mangyari ang krimen.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen. Mary Anne Sapico