Lalaking nagpapautang itinumba ng mga kawatan

Lalaking nagpapautang itinumba ng mga kawatan

August 30, 2021 @ 10:29 AM 10 months ago


LA UNION – Tigok ang isang lalaking nagpapautang matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Luna-Pantar road sa Brgy. Cantoria 2, Luna ng lalawigang ito kahapon (Agosto 29).

Ang biktima ay nakilalang si Eliseo Pera y Raquedan, 63 anyos, money lender, residente ng Brgy. Napaset, Balaoan, La Union.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay nakasakay sa kanyang Rusi motorcycle nang lapitan at pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek na magkaangkas sa isang Honda Beat motorcycle.

Hinihinalang robbery ang motibo sa krimen dahil nawawala ang clutch bag ng biktima na naglalaman ng mga nakolekta niyang pera at pati na rin ang kanyang Thailand Gold necklace na nagkakahalaga ng P50,000.

Narekober sa crime scene ang limang empty shells at 2 deformed slug ng cal. 45. Rolando S. Gamoso