Lalaking nagsunog ng P20, kinasuhan na ng BSP, PNP

Lalaking nagsunog ng P20, kinasuhan na ng BSP, PNP

April 24, 2022 @ 2:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tuluyan nang kinasuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng Philippine National Police (PNP) ang taong nahuling nagsunog ng P20 banknote sa kanyang TikTok video noong nakaraang lingo.

Sa pahayag, sinabi ng BSP na sinampahan nila ng PNP Anti-Cybercrime Group si alias “Jam Jarem” ng kasong criminal sa Quezon City Prosecutor’s Office.

“We will pursue this case until conviction,” saad ni Mamerto Tangonan, deputy governor ng BSP Payments and Currency Management Sector.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 247, ang sinasadyang pagsira, pagputol, pagpunit, o pagsunog sa Philippine banknotes at barya ay may kaparusahang hanggang limang taong pagkakakulong at multang hindi lalampas sa P20,000. RNT/ JCM