Lalaking nagsusugal ng cara y cruz, binaunan ng bala sa Laguna

Lalaking nagsusugal ng cara y cruz, binaunan ng bala sa Laguna

June 20, 2018 @ 8:11 AM 4 years ago


Calamba – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang lalaki na nasa kalagitnaan ng ilegal na pagsusugal ng popular na cara y cruz sa Purok 8 PNR site, Barangay Uno, Calamba City kaninang madaling araw.

Dead on the spot sa lugar ng pinangyarihan ang biktima na nakilalang si Benedict Alipio Llamas alyas Yet-Yet bunsod ng apat na tama ng bala ng baril.

Ayon sa inisyal na ulat, mag aala una ng madaling araw ng mangyari ang insidente sa naturang lugar.

Nagsusugal ng cara y cruz ang biktima kasama ang ilang mga kalalakihan ng may biglang sumigaw na “Walang Tatakbo” at sa labis na gulat ay nagsipulasan ang mga nasa lugar kung saan naiwang mag isa ang biktima.

Dito na nakatyempo ang hindi pa mabatid na suspek na armado ng .45 baril at ilang beses na pinaputukan ang biktima.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng follow up investigation ang mga awtoridad hinggil sa kaso. (Jeff Gallos)