Lalaking nagtangkang mang-rape, patay sa Batangas

Lalaking nagtangkang mang-rape, patay sa Batangas

August 3, 2018 @ 7:16 AM 4 years ago


 

Batangas – Napatay ng mga pulis ang isang lalaking nagtangkang manghalay sa isang babae sa San Jose, Batangas, kahapon (August 2).

Ayon sa kwento ng mga rumespondeng pulis, unang nagpaputok ang suspek kaya’t ito ay nauwi sa engkuwentro.

Nahanap ng mga operatiba ang suspek sa damuhang bahagi ng lugar at dead on arrival sa ospital.

Mariin namang pinabulaanan ng pamilya ng suspek na may baril ito at sinabi pang handa naman ito sumuko.

“Bakit ganito po ang ginawa niyo sa aking anak parang baboy na pinatay? Sana’y kung may kasalanan ay ikinulong nalang nila,” ayon sa ina ng suspek.

Napag-alaman din sa imbestigasyon na bago ang engkuwentro, inireklamo ang suspek matapos umano nitong pagtangkaang gahasain ang isang babae.

Kuwento ng 17-anyos na biktima, bigla nalang siyang sinakal ng suspek habang naglalakad sa Barangay Lalayat.

Nakahingi ng tulong ang biktima nang may biglang dumaang residente. Agad nilang ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente. Remate News Team