Lalaking nanampal ng kapatid, grinipuhan sa tiyan

Lalaking nanampal ng kapatid, grinipuhan sa tiyan

June 3, 2021 @ 10:16 AM 2 years ago


ILOCOS SUR- Nasa ospital ngayon at ginagamot ang isang 31-anyos na lalaki matapos saksakin sa tiyan ng kanyang nakababatang kapatid sa Brgy. Pug-os, Sinait ng lalawigang ito kagabi.

Ang biktima ay nakilalang si Stephen  Jay Prades y Sablay, construction worker, residente ng naturang lugar.

Nakilala naman ang suspek na si Emil Prades y Sablay, 30, binata, construction worker, residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima na armado ng samurai ay sumugod sa bahay ng suspek at nang makita ang huli ay sinampal niya ito sa mukha.

Nagalit naman ang suspek kaya bumunot  ng balisong at pagkatapos ay sinaksak sa tiyan ang biktima.

Ang biktima ay agad na isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa Sinait, Ilocos Sur matapos ang insidente.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek kay Roger Ibatuan y Mangoba, barangay tanod ng naturang lugar. Rolando S. Gamoso