Lalaking nangingikil sa mga tsuper sa Malabon, isinelda sa boga

Lalaking nangingikil sa mga tsuper sa Malabon, isinelda sa boga

November 9, 2022 @ 3:20 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Shoot sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki na nagbabanta at nangingikil umano sa mga driver matapos makuhanan ng mga pulis ng baril sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Amante Daro ang naarestong suspek bilang si January Raymond Flores, 55, parking attendant, at residente Barangay San Agustin.

Ayon kay Col. Daro, nakatanggap sila ng letter of complaint na naka-address kay PNP Chief PGEN Rodolfo Azurin Jr, mula sa “Kolot Sinag mga drivers” kung saan i-nirereklamo ang suspek alyas “Polot Flores” na pinagbabantaan at kinikikilan ang mga driver ng padyak, jeep, at delivery truck ng isda habang armado ng baril sa Gen. Luna Street, Barangay San Agustin.

Kaagad inatasan ni Col. Daro ang mga operatiba ng Follow-up na magsagawa ng validation sa nasabing lugar kung saan naaktuhan nila ang suspek na may dalang baril.

Nang hanapan ng mga kaukulang dokumento para legalidad ng naturang baril ay walang naipakita ang suspek na naging dahilan upang posasan siya ng mga operatiba at nakumpiska sa kanya ang isang cal. 45 pistol at dalawang magazine na kargado ng 12 pirasong bala at isang sling bag.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions). Boysan Buenaventura