Lalaking nanigarilyo, bagsak sa kulungan

Lalaking nanigarilyo, bagsak sa kulungan

August 11, 2018 @ 12:59 PM 4 years ago


 

Mandaluyong City – Himas sa rehas na bakal ang kinabagsakan ng isang lalaki makaraang makuhanan ng bala ng shotgun nang sitain ng mga otoridad dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa lungsod ng Mandaluyong.

Nakilala ang suspek na si Renzel John Ordaniel, 23-anyos, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Pleasant Hills, sa nabanggit na siyudad.

Sa ulat na nakarating kay Eastern Police District Director, PS/Supt. Bernabe Balba, Biyernes ng hapon nang sitahin si Ordaniel bilang paglabag sa ilalim ng Ordinansa No. 513 ng Lunsod na nagbabawal sa paninigarilyo sa pampublikong lugar.

Habang inihanda ang tiket ng mga otoridad, biglang kumaripas ng takbo ang suspek na humantong sa habulan at nang masukol ay nakitaan ito ng dalawang bala ng shotgun 12 gauge.

Makalipas ang ilang minutong habolan noong Biyernes bandang alas-2:30 ng hapon sa Brgy. Mauway, ng nasabing lungsod.

Kaagad na dinala sa Mandaluyong Police Station ang inarestong suspek at inihanda ang kasong illegal possession of ammunition sa ilalim ng RA 10591 na kilala bilang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (Toto Nabaja)