Lalaking nasa Top 1 Regional PDEA target list, timbog sa Ilocos Sur buy-bust

Lalaking nasa Top 1 Regional PDEA target list, timbog sa Ilocos Sur buy-bust

March 18, 2023 @ 12:36 PM 2 weeks ago


ILOCOS SUR- Swak sa kulungan ang isang 47-anyos na lalaki matapos na maaresto sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Poblacion West, San Ildefonso ng lalawigang ito nitong Huwebes, Marso 16.

Kinilala ng San Ildefonso Municipal Police Station ang suspek na si Marlo Lim y Dela Cruz, 47, may asawa, residente ng Brgy. Anonang Menor, Caoayan, Ilocos Sur.

Nasa Top 1 Regional PDEA Target List umano ang suspek at nasa ilalim ng ISPDEU COPLAN “Bulto”.

Ang suspek ay inaresto ng mga pinagsanib na miyembro ng San Ildefonso MPS (lead unit), ISPDEU/ISIU, Sta. Catalina MPS, Sto. Domingo MPS at Caoayan MPS habang nasa akto umanong binebentahan nito ng tatlong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihihinalang shabu ang poseur buyer.

Mula sa suspek ay nakumpiska rin ng mga awtoridad ang mga sumusunod: 12 medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu; 5 piraso ng machine copied na P1,000; isang genuine na P1,000 na ginamit bilang buy-bust money; isang kulay brown na body bag; 3 na cellular phone (isang Samsung at dalawang Iphone); isang gunting; isang weighing scale; isang improvised wooden clip na ginagamit sa repacking; isang eyeglass pouch; Assorted IDs; assorted bank deposit slip; at assorted money na may kabuuan na P8,125.

Tinatayang may kabuuan na timbang na humigit-kumulang sa 10 gramo at nagkakahalaga ng P68,000 ang mga nakumpiskang hinihinalang shabu mula sa naturang buy-bust operation. Rolando S. Gamoso