Lalaking pistolero dinakma sa ‘kambal’ na baril sa Bulacan

Lalaking pistolero dinakma sa ‘kambal’ na baril sa Bulacan

March 12, 2023 @ 9:34 AM 2 weeks ago


Bulacan – Arestado ang 54 anyos na lalaki na nahulihan ng magkamukhang baril at mga bala matapos silbihan ng Search Warrant (SW) ng mga operatiba sa bayan ng San Ildefonso.

Sa report na nakarating kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, nakilala ang naarestong si Rolando Valmadrid, residente ng Brgy. Mataas na Parang.

Isinilbi ng mga operatiba ng San Ildefonso police station kay Valmadrid nitong Sabado, Marso 11 sa kanyang bahay ang SW na inisyu ni RTC Branch 16, Hon. Sita Jose Clemente, 3rd Vice Executive Judge for Illegal possession of firearms.

Narekober sa lugar ang caliber .45 pistol, dalawang magazine, 17 live bullets, caliber 22mm, magazine na may pitong bala nito.

Sinasabing ang SW operation ng mga operatiba ay dumaan sa tamang proseso kasama ang ilang barangay officials.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III