Lalaking sakay ng nakaw na motorsiklo, utas sa pagbangga sa taxi

Lalaking sakay ng nakaw na motorsiklo, utas sa pagbangga sa taxi

June 23, 2018 @ 3:13 PM 4 years ago


Caloocan City – Todas ang isang hindi pa kilalang rider matapos bumangga sa taxi na nag-U-turn sa Caloocan City, kaninang madaling araw.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang biktima na nasa 25-30 ang edad, maliit ang katawan at 5-6 ang taas.

Nahaharap naman sa kasong ‘reckless imprudence resulting in homicide’ ang driver ng taxi Toyota Vios (UWM-920) na si Edito Maranan, 39 ng 301 Bldg. 7, Disiplina Village, Brgy. Ugong, Valenzuela City.

Ayon kay Caloocan police traffic investigator PO1 Joemar Panigbatan, tinatahak ng biktima ang kahabaan ng A. Mabini St. Brgy. 7 habang minamaneho ang Yamaha Sniper motorcycle at ni Maranan na nauna sa kanya na minamaneho naman ang kanyang pinapasadang taxi.

Pagsapit sa PTT Gasoline Station, nag-U-turn pakaliwa si Maranan na naging dahilan upang sumalpok sa kanyang taxi ang biktima na mabilis na isinugod ng Caloocan City Rescue sa CCMC hospital.

Matapos maipaalam sa nakarehistrong may-ari ng motorsiklo na isang Rizaldy Rogon, sinabi nito na kinarnap umano ito mula sa kanya noong nakaraang May 5 sa Brgy. Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan. (Rene Manahan)